Panahon na Nasayang

Maliliit pa mga anak ko nung nangibang bansa ako. Sabi ko mag-iipon lang ako, isa, dalawa o tatlong taon ok na. Uuwi na ako para makasamang muli ang aking pamilya. Ngunit ang bilis lang lumipas ng panahon, sa sunod na buwan, pang 18 years ko na dito sa Hongkong.

Sa 18 years, kada 2 o 3 taon lamang ako nakakauwi. Ang hirap na hindi mo nakakasama ang mga anak mo, tapos makasama mo man, ilang linggo lamang. Kaya madalas kapag bakasyon ko, sinusulit ko talaga sa kanila para walang masayang na araw.

Yun nga lang, di ko na rin talaga maibabalik ang mga panahon na sana’y nasa tabi nila ako, na ako ang nag-aalaga, naghahatid sa school at gumagabay sa kanila sa bawat paghakbang nila. Nakakapanghinayang lamang ang mga taon na nasayang. Hindi ko na rin kayang ibalik.

Nagpapasalamat lang ako at maginhawa ang buhay namin dahil sa pag-aabroad ko sa kabila ng magkalayo kami sa mahabang panahon.

Kung maibabalik ko lang ang panahon, magtitiis na lang siguro ako sa Pinas, makasama lamang sila.

Linda ng Hongkong

Kung may kwentong OFW kayo, ipasa nyo lamang po dito