Lubog sa Utang

Sa tutuo lang, ang akala ko nuong natanggap ako bilang mekaniko sa ibang bansa ay giginhawa na ang aming buhay. Tulad ng ibang OFW na ilang taon lamang sa ibang bansa ay nagkakaruon na ng sariling bahay at lupa. Hindi pala lahat ganun.

Umalis ako ng Pilipinas na may dalang pag-asa na maiiahon ko ang aking pamilya sa hirap, ngunit hindi ito nangyari, dahil ang kumpanyang pinapasukan ko ay biglang nalugi. Nagsara ang kumpanyang pinapasukan ko at walang ibang option kung hindi bumalik muli ng Pilipinas.

Sa tutuo lang, halos magkasakit ako dito kakaisip kung paano babayaran ang pinangutang kong Placement Fee makaalis lamang ng bansa. Parang ayaw ko nang bumalik sa Pilipinas at pasalubungan ng problema ang aking pamilya. Yung imbes na chocolates, damit at mga bagong gamit ang pasalubong ko ay sandamakmak na utang ang kailangan naming bayaran.

Pero kailangan kong harapin ang lahat ng ito, tutal buhay pa naman ako at hindi natulad sa ibang bangkay nang umuuwi sa atin, at naghihintay ang mga mahal ko sa buhay na handa akong tanggapin sa kabila ng mga nangyari.

Hanggang ngayon nagbabayad pa rin ako ng utang, pero awa ng Diyos malapit na matapos. At kung bibigyan ng pagkakataon na makapag-abroad muli, susubok akong muli. Swertehan lang naman siguro yan diba?

Joel ng Kuwait

Kung may Kwentong OFW ka, Ipasa lamang dito.